Last August 14 at the special screening of The Last Journey of Ninoy at the Rockwell Cinema at Power Plant Mall, nagkaroon tayo ng maikling conversation with Rafael Lopa the Executive Director of Benigno S. Aquino Jr. Foundation (BSAF) kasama si Cesar Buenaventura ang President ng BSAF para kamustahin ang mga future plans nila sa foundation at paano nila matutulungan ang ating mga kababayan.
Ang isa sa mga ginagawa ng foundation ngayon ay mag-create ng awareness sa mga kabataan ngayon kung sino si Ninoy Aquino, mula sa docu-drama nilang ipinalabas sa tulong ng Unitel Production, inilunsad din nila ang Ako si Ninoy the Musical at ang isang taon na nilang campaign na ang I Am Ninoy na inilunsad nila noong August 21, 2008. Ang main goal nila sa project na ito ay makita ng mga kabataan ang kahalagahan ni Ninoy sa bansa at ang makita nila ang katangian ni Ninoy sa kanilang mga sarili.
Bukod sa scholarship na inilunsad ng foundation simula noong 1986, pinag aaralan ng ng BSAF kung paano gagawin ang implementation ng Micro Finance para sa mga kababaihan lalo na sa mga ina na siyang naging pangunahing advocacy ng yumaong dating Presidente Corazon Aquino. Ang main goal ng project na ito ay para makatulong sa pagresolve ng kahirapan na dinadanas ng mga kababayan natin sa panahong ito. Ngayon ay nakahold muna ang scholarship para sa mga bagong batch ng BSAF para mabigyan ng budget ng micro financing na kung saan ay nakikipag usap na ang BSAF sa mga micro-finance institution that will help them sa livelihood program.
Bukod sa I Am Ninoy (iamninoy.com) website na siyang nagre-reach out sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga activities mula sa shirt campaign hanggang sa community involvement na ngayon na kung saan ay part ang I Am Ninoy Runner Project where the funds na makukuha nila rito ay ipantutulong sa 57-75 Movement, isang private sector that leads the initiative to reverse the education crisis through focused interventions and school-community action. Nariyan na rin ang PinoyMe Foundation (PinoyMe.com) ito ay isang social investmentbank for microfinance institutions (MFIs) na tutulong para magkapuhunan ng mga small entrepreneur kagaya ng isang maybahay para matulungan niya ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya.
Narito ang kumpletong panayam ko kina Rafael Lopa at Cesar Buenaventura ng Benigno S. Aquino Jr. Foundation.
http://www.kyte.tv/f/ch/340816/541380&tbid=k_24&p=ls