>
Last August 14, nagkaroon ng chance ang may akda ng blog na ito para mapanood ang screening ng The Last Journey of Ninoy sa Rockwell Cinema sa Power Plant Mall, Rockwell Center. Isang docu drama na kung saan pinagtulungan gawin ng Benigno Aquino Jr Foundation at UNITEL Production sa direksyon ni Jun Reyes. The docu drama is set to be shown on ABS-CBN on August 23 sa Sunday’s Best.
While I’m writing this blog, ipinagdidiwang ng Pilipinas ang ika-26 na taong Death Anniversary ni Ninoy Aquino na kung saan ay siyang naging mitsa ng bansa upang kumilos para ibalik ang demokrasya ng bansa dahil sa Martial Law na ibinaba ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na siyang naging matinding kalaban ni Ninoy sa pulitika.
Nag umpisa ang docu dramang ito sa Boston na kung saan naroon si Ninoy at ang kanyang pamilya, sa pamamagitan ng mga recorded narration nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at dating Presidente Corazon Aquino ay mas naging detalyado at mas magiging malapit sa mga manonood ang bawat eksena na bumuo sa 52 minutes na pagtakbo ng story. Isinalaysay ni Ninoy at ni Cory ang mga bawat sandali ng kanilang buhay bilang mag asawa hanggang sa kamatayan ni Ninoy, mula sa Boston bilang masayang pamilya na buo sa kabila ng nag uumpisang suliranin sa Pilipinas patungo sa mga detention ni Ninoy, pagkawala ng kanyang pananampalataya at ang pagbabalik nito sa tulong ni Cory, mga huling paglalakbay niya sa mundo patungo sa kanyang huling araw at ang pagpapatuloy at pagiging matatag ni Cory sa panahong dumating ang mga trahedya sa kanilang pamilya.
Tulad ng ibang pamilya ay ordinaryo rin ang takbo ng buhay nila Cory at Ninoy, maliban lamang na lumaki si Ninoy na mulat sa mga nangyayari sa kanyang buhay bilang journalist, maagang nakapasok sa pulitika at matinding kritiko ni Marcos, habang si Cory ay naging isang mabuting maybahay na nanatiling sumusuporta sa kanyang asawa at gumagabay sa kanyang mga anak.
Ang pangunahing layunin ng docu drama na ito ay para buhayin sa mga manonood ang alaala at nagawa ni Ninoy Aquino para sa bansa. Gayun din ang ipakilala siya kasama si Cory Aquino na kanyang asawa sa mga kabataan at hanapin sa kanilang mga sarili ang pagiging Ninoy at Cory at iyon ay ang pagmamahal sa bansa at ang pagiging Filipino sa lahat ng aspeto sa buhay
Kasama sa docu drama na ito ay sina Bam Aquino at Pia Millado na gumanap bilang sina Ninoy at Cory.
Read the synopsis of The Last Journey of Ninoy here