>var addthis_pub=”angsawariko”;
Maituturing isang pambihirang pagkakataon na ang Hari ng Komedya ng bansa na si Dolphy ay mapapabilang na rin sa numero unong programa sa primetime ng ABS-CBN, ang May Bukas Pa ngayong linggong ito.
Bibigyang katauhan ang papel ni Pilo, hindi maitago ang kaligayahan ni Dolphy na mapahanay sa mga artistang nag-guest na sa programa. Sa kabilang dako, hindi maubusan ng pasasalamat ang mga cast at crew ng May Bukas sa pribilehiyong makasama sa serye ang Hari ng Komedya.
“Napapanood ko ito eh. Hanga nga ako kay Zaijian (Santino in May Bukas Pa) dahil magaling talagang bumitaw ng mga linya niya. Ni-hindi nabubulol,” ani Dolphy. “Honored ako na makasama ako sa ganitong klaseng serye. Bihira na lang kasi ang mga ganitong klaseng kwento na ipinapalabas sa telebisyon. Nakaka-taba ng puso na napili ako bilang guest.”
Si Pilo ang ama ni Moy (Vhong Navarro) na ang tanging hiling ay isang payak na pamumuhay para sa kanilang mag-ama— dahilan kung bakit hindi nakamtan ni Moy ang lahat ng kanyang ninanais sa buhay. Sa pagdagdag ng taon ng kanyang ama, hindi na masuportahan ni Moy ang mga pangangailangan nito kung kaya’t nagdisisyon ang matandang manuluyan na lang sa isang institusyong nangangalaga sa mga matatanda upang hindi maging balakid sa pangarap ng anak.
Kamalaunan, nang malaman ni Pilo na malabong makuha ni Moy ang buong pananagutan sa kanyang anak, nagmuni-muni at nagbalik-tanaw siya sa kanyang buhay kung bakit niya hinangad ang simpleng buhay na naka-apekto sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
Paano mababago ng “miracle boy” na si Santino (Zaijian Jaranilla) ang buhay ng mag-amang Moy at Pilo?
Huwag palalampasin ang mga kapanapanabik na tagpo sa May Bukas Pa, weeknights pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.
Para sa mga updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o http://maybukaspaonline.multiply.com.