>var addthis_pub=”angsawariko”;
Matapos ang pagpapahayag nila Manny Villar, Mar Roxa, Bayani Fernando, Ed Panlili at Jejomar Binay sa kagustuhang tumakbo sa posisyon ng pagkapangulo, ay nagpahayag na rin ng kagustuhang tumakbo bilang presidente ng bansa si Senator Maria Ana Consuelo “Jamby” Magrigal ngayong 2010 National Election na kung saan inaasahan ang kanyang paghahain ng candidacy sa November 30. Ipinahayag niya ito sa kanyang press conference na ginawa sa Makati City, ayon sa kanya ay pinag isipan niya ito mabuti mula sa kanyang mahabang retreat. Matatapos na rin ang kanyang termino bilang senadora ngayong 2010 na kung saan naupo siya sa pwesto noong 2004.
Side Comment
Kung matuloy ito at halos lahat na lang ay gustong tumakbo sa pagka-pangulo hindi ko na ako magugulat na magmumukhang perya na naman ang National Election ng bansa. Halos lahat na lang ay gustong tumakbong prisidente pero sa kabila nito ang naman ang maibibigay nila sa bansa, tulad na lang ng nilabas ng GMA 7 na documentary na may pagka-satirical na tungkol sa kagustuhan ng nakakarami na gustong maging presidente. Nawawala na ang essence ng konsepto ng pagka-Pangulo ng bansa na kung saan ay nagiging bukang bibig na lang ito ng karamihan na iyon ang gusto nilang tuntunin nilang lahat na posisyon, pero sa kabila ng kagustuhan ito ano naman ang maibibigay nila sa bansa at sa taong bayan? Hindi lang pwesto ang pagka-pangulo na parang trip to Jerusalem ang tema na pagkatigil ng sayaw mag-aagawan na lang sa pwesto, after manalo? Ano na? Kawawa na naman ang bayan sa loob ng anim na taon…