>var addthis_pub=”angsawariko”;
Kahirapan, kawalan ng tahanan at gutom, ito ang pangkaraniwang suliranin ng mga Filipino kahit noon pa na hanggang ngayon ay pilit pa ring hinahanapan ng solusyon. Last June 8, 2009 sa Gawad Kalinga Selecta Village sa Cainta Rizal ay inilunsad ang Bayan Anihan sa pangunguna ni Tony Meloto ang founder ng Gawad Kalinga. Nakilalan ang Gawad Kalinga sa rehabilitasyon ng mga squatters area at pagpapatayo ng mga tahanan sa mga nangangailangang komunidad. Ngayon sa Bayan Anihan ay bukod sa tahanang naitayo sa mga GK Villages ay tuturuan din ng Gawad Kalinga na i-cultivate ang mga hindi nagagamit na lupain para sa gamitin para sa ikabubuhay nila. Agrikultura sa bakuran o bakanteng lote ito ang simple ngunit maparaang hakbang ng Gwad Kalinga para mas matuto ang mga tao kung paano nila bubuhayin ang kanilang mga pamilya. Tulad ng isang lumang Chinese Proverb, “Give a man a fish and he’ll eat for a day. Teach a man to fish and he will eat for the rest of his life.” Para sa Gawad Kalinga mas malayo ang mararating ng isang tao na tinuruan kung anong gagawin niya para siya ay mabuhay at hindi mabubuhay lamang sa kung inaabot sa kaniya.
Tulad ni Tuntoy, gutom ang suliraning hinaharap ng pamilya ni Juan dela Cruz, at para sa Gawad Kalinga ang pagkakaroon ng 2,500 farms na magiging source of living ng 500,000 na katao sa loob ng tatlong taon ay isang matinding hamon ngunit isang paraan para makatulong sa kapwa na tulungan nila ang sarili nilang bumangon at itaguyod ang mga sarili at hindi lang nabubuhay sa kung anong inaabot lamang sa kanila.
Nagkaroon ako ng opportunity mainterview na solo si Tony Meloto ang founder ng Gawad Kalinga ibinahagi niya kung paano niya tinayo ang samahang ito at ang mga plano pa niyang gusting gawin sa pagdating ng panahon, sa ako ang unang nagkaroon ng chance mabahagian ng project niya patungkol sa kalusugan sa darating na panahon. Narito ang maikling podcast ko sa kaniya.
http://share.ovi.com/flash/audioplayer.aspx?media=FlowellG.10005&albumname=FlowellG.Podcast
Bukod kay Tony Meloto, binahagi rin ni Mike Dimaguiba ang itatakbo Bayan Anihan sa pagdaan ng panahon, you can watch the video here.
Para sa mga gusting makibahagi sa advocacy na ito mayroon tayong tatlong option una ang mag adopt ng farm na kung saan nagkakahalaga ng 3,600 US Dollars of 150, 000 pesos na kung saan mayroon nang 30 na family ang makikinabang, pangalawa ang maging Hunger Warrion na kung saan pwede mong i-devote ang 4 hours mo kada buwan para tumulong at mag-volunteer sa Gawad Kalinga at pangatlo ang maging Bayan-Anihan Ambassador na kung saan ay magiging tagapamahagi ka ng information patungkol sa proyektong ito ng Bayan Anihan. Maging parte ng laban kontra gutom visit their website at BayanAnihan.com.
*Ngayong July 15 ang inyong lingkod ay sasama Harvest Day ng Bayan Anihan sa Tarlac City.