>var addthis_pub=”angsawariko”;
Mapapakain ba ng cha-cha ang nagugutom kong pamilya kumpara sa kung inuna ang Comprehensive Agrarian Reform Program? Mapipigilan ba ng cha-cha ang lomolobong populasyon at mataas na bilang ng pagkamatay ng mga ina kumpara sa Reproductic Health Bill? Mapipigilan ba ng cha-cha ang krimen ng child pornography kumpara sa anti child pornography bill? At mabibigyan ba ng cha-cha ang maayos na edukasyon ngayong balik eskwela na?
HINDI! Dahil tulad sa isang variety show dinaan nila sa ingay at palakpakan ang pagpasa ng bill na ito, hindi na ako mag dadalawang isip na baka ipanukala ang pamamaraan nitong pagbotong ginawa nila ay gawin nila itong pamamaraan sa pagpili ng pangulo sa 2010. Tulad din ito ng isang magnanakaw na tahimik na nilolooban ang biktima nila habang natutulog ito, habang natutulog ang Pilipinas ay tahimik nilang ginagapang ang pagbabago ng sistema ng bansa habang ang pamilya ni Juan dela Cruz ay himbing sa pagkakatulog niya hindi niya alam ay may nakawang nangyayari na sa kanyang bayan, ang kanyang kunabukasan.
Hindi ko kailangan i-discuss ang Cha-Cha at Con ASS dito sa blog na ito, ang sa akin lang itigil na ang kahibangang ito, maraming kailangang dapat ayusing panukala, at hindi pag pamimilit sa pagpapalit ng sistema, bkit ba silang kanting kati palitan ang sistema, self gain gain gain gain na naman ito habang ang kawawa tayong mga bumoto sa kanila noong eleksyon na akala natin na gagawa sila ng TAMA kapag niluklok natin sila sa posisyon. Kaya sa darating na eleksyon alalahanin natin sila, tandaan natin sila at magdalawang isip na tayo dapat pa ba sila dun at busy na busy sila sa CHARTER CHANGE.
Muli isang katanungan ikabubuti ba ng pangkalahatan ang Con ASS na ito o pansarili laman ng mga bumoto? Ang hiling ko lang ay sana ang lahat ng Filipino ay magbantay mula ngayon dahiln maaaring hindi natin alam kinabukasan na natin at mga anak at pamilya natin ang ginagamble nila sa gobyerno.
Natanong din ako patungkol sa Right to Reply bill, isa lang ang sinagot ko kung ayaw ninyong masabihan kayo ng masama at hindi maganda, huwag kayong gumawa ng masama at panget dahil ang media ay isang malaking salaaming ipinapakita lang ang mga ginagawa ninyo.