>var addthis_pub=”angsawariko”;
Isang 49 years old na babae ang iniulat na unang fatality o namatay dahil sa sakit na Influenza A(H1N1) ayon sa Department of Health (DOH) at ito ay natagpuan sa Metro Manila, una sa Pilipinas at gayon din sa Asya. Ayon sa investigation na ini-report ng DOH, nagkaroon ng complication ang 49 years old na babae dahil na rin bukod sa A(H1N1) ay may sakit din ang babae sa puso, tubercolosis, at nagka-pnemonia rin siya dahil sa A(H1N1) pero ang resultang lumabas ang dahilan ng pagkamatay niya ay Atake sa Puso (Heart Attack).
Noong June 17 ay umuwing matamlay ang pasyente, habang the following day (June 18) ay nagkaroon na ng sintomas ng A(H1N1) ang 49 years old na babae at ito ay ubo, sipon at lagnat, at dito nag umpisa siyang mahirapang huminga at noong June 19 ay namatay na ang biktima. Matapos ang biglaang mamatay ay nagdesisyon ang mga kamag anak nito na-ipa-swab test ang biktima para malaman kung positibo ito sa A(H1N1) virus at noong June 20 ay nagpositibo ito sa sakit. At ngayon ay minomonitor na rin ng DOH ang 5 na taong nakasalamuha ng namatay.
Iniimbestigahan ngayong ng DOH kung paano nakuha ng biktima ang virus na ito lalo na’t wala itong nakasalamuha ng A(H1N1) at hindi naman ito nagtravel mula sa ibang bansa. Pero sa kabila nito ay hindi na rin nagulat ang World Health Organizatio (WHO) sa balitang ito sa kadahilanang ayon kay Jill Hall, Team Leader Communicable and Surveillance Response ng WHO, ang mga taong may heart at lung condition ay mataas ang risk nito at posibleng mamatay sa oras na naging infected sila ng A(H1N1) virus. Ngayon ay minomonitor na rin ng DOH ang mga high risk group at kasama dito ang mga bata, buntis, matatanda, may sakit sa puso, baga, diabetes at iba pang sakit.
Ngayon mayroon nang 445 ang natalang nagkaroon ng A(H1N1) at 374 o 84% dito ay gumaling na. Ang babala ng DOH ngayon, ayon kay Yolanda Oliveros, Director, Natioan Epidemiology Center na may posibleng tumaas pa ang bilang ng magkakasakit bago tuluyang humina ang virus. Pero ang kinakatakutan ng ng mga experts ay ang posibleng second wave ng sakit na ito na maaring magbago ang epekto ng sakit na ito sa tao.
Sa mga school naman ay instead of full class suspension at nagdecide na magkaroon na lang ng selected suspension either class, department or building lang ang isususpend o mismong estudyante lang ang pauuwiin, habang ang mga nakasalamuha nito ay imomonitor naman ng DOH.