>var addthis_pub=”angsawariko”;
Para sa mga amang nagtaguyod ng kanilang mga pamilya lalo na sa mga OFW na tiniis ang layo ng trabaho magkaroon lang ng maaayos na kinabukasan ang mga anak at pamilya, saludo ako sa inyo!
Para sa mga amang tumayo ring bilang mga ina sa mga anak nila dahil sa absense ng mga inang nagtratrabaho o dahil din sa pagiging single parent nila, hinahangan ko kayo!
Para sa mga inang naging AMA sa kanilang mga anak at tinanggap ang responsibilidad na ito sa pamilya, isang mataas na paggalang sa inyo!
Sa mga taong tinanggap ang responsibilidad na maging AMA ng lipunan at gobyernong sinasaklawan nila, institusyon, simbahan at komunidad, at sa mga taong tumayong mga ama sa iba’t ibang sektor ng lipunan at maging ama sa mga taong nangangailangan nito, kapuri puri kayo sa paningin ko!
Ang pagiging ama ay hindi lang nakabase sa biological kundi sa pagtanggap ng responsibilidad nito, mapababae ka man o lalaki, sa pamilya man o komunidad, ang pagtayo bilang ama sa pinili mong bokasyon ay karapat dapat kang kilalaning DAKILANG AMA.
Happy Father’s Day sa inyong lahat!