>var addthis_pub=”angsawariko”;
http://images.multiply.com/multiply/multv.swf
(To watch the full episode of Ako ang Simula: Sigaw ng Pagbabago, subscribe to TFC Now News On Demand visit http://now.abs-cbn.com)
Last Sunday bilang parte ng kampanya ng ABS-CBN para 2010 Election campaign nila ay nagkaroong ng special documentary ang ABS-CBN News and Current Affairs para ibahagi ang mga opinyon at saloobin ng mga kabataan at mga kapwa Pinoy nating nasa social networks para ibahagi ang kanilang saloobin sa prosesong pagdadaanan ng nalalapit na election sa Pilipinas. At pinalad akong maging parte ng palabas na ito bilang representative ng Filipino Voices, isang samahan ng mga bloggers na kung saan ay may kani-kaniyang opinyon at pananaw para sa bansa at mga advocacy na nais iparating sa mga mambabasa nito. Bilang nangunguna sa section ng Advocacy ng Filipino Voices at isa ang maayos na election at panunungkulan ang isa sa pangangampanya ko ay ako ang tumayo at nanguna sa doucmentary na ito bilang representante ng aking grupo. Kasama ko sa interview ay si Mae Paner o mas kilala sa pangalang Juana Change na isa sa mga iniidolo ko ngayon na kung saan ginamit niya ang kanyang talento sa pag arte upang ibahagi ang kanyang advocacy at iyon ay ang maayos na gobyerno. Kasama rin si Zarlou Atienza isang video blogger na kung saan ginagamit niya ang kanyang talento sa pag eedit ng videos at graphics para ipahayag niya ang kanyang opinyon tungkol sa mga nangyayari sa mga pulitiko sa pamamaraan ng satire images and visuals sa blog niya. At si Vencer Crisostomo, Secretary General ng Kabataan Partylist ayon sa kanya may malaking impluwensya ang technology sa mga kabataan ngayon tulad sa nangyari ng EDSA Dos noon.
Iilan lang kaming naging parte ng kampanyang ito, maging parte ka rin ng kampanya para sa maayos na pamamahala at gobyerno. Tulad ng sinabi ko magiging parte ka ng kampanyang ito sa pamamagitan ng pagrehistro para sa election, ang mamulat sa issue ng lipunan, bumoto ng tama at magbantay sa bilangan hanggang may mahalal at patuloy tayong magbantay.
* May kaunting clarification hindi po ako (Flowell Galindez) parte ng Youth Vote Philippines kundi parte ako ng Filipino Voices at hindi sideline ang ginagawa namin sa grupo kundi isa itong bukas loob na serbisyo sa bayan sa pamamaraang alam namin at iyon ay ang pagbloblog ng tama at walang itinatago dahil karapatan nino man malaman ang totoong istorya ng bayan, makakasama man, makakasira man at makakabuti man sa bayan. Aanhin mo ang puro pagbloblog ng nakakabuti kung mayroong masamang nangyayari magbubulagbulagan ka ba? Isa sa isyung haharapin natin ngayon sa 2010 ang apathy ng taong bayan ang hindi pagpapahalaga sa importansya ng pagboto, isa man ang boto mo pero ang isa mong boto ay maaaring makapagbago ng isang pamahalaan. Magparehistro, mamulat, bumoto at magbantay dahil ang bawat isa ay may responsibilidad sa bayan na dapat gawin.