>var addthis_pub=”angsawariko”;
June 1, ito ang unang araw ng mga estudyante sa pampublikong paaralan na magbabalik eskwela uli sila, pero sa kabila ng excitement ng mg students na makita ang kanilang mga schoolmates at teachers, excited na rin ba sila sa mga panibagong problemang sasalubong sila sa pagbabalik nila sa kanilang mga silid aralan kung sakaling meron man?
Sa mahigit sa 22 Million na magbabalik eskwela kasama na rin ang mga baguhan masaya sana dahil panibagong taon ng dagdag kaalaman para sa lahat na siyang pinagdaanan din natin noon, pero sa kagaya kong namulat ng ilang unang taon sa isang public school isa sa mga suliraning nakaharap ko na siya ring nakikita natin ngayon sa pampublikong paaralan ay ang mga samu’t saring problemang ilang taon na’t hindi pa rin nabibigyan ng aksyon:
Silid Aralan o Class room – Itinuturing itong pangalawang tahanan ng mga estudyante dahil dito nagugugol ang 10-12 hours sa araw araw na buhay ng isang estudyante sa loob ng limang araw. Pero sa ibang mga eskwelahan ang pagiging salat sa silid paaralan ay nangungunang problema nila, mula sa masikip na silid aralan hanggang sa hindi maayos na dingding, butas butas na kisame, binabahang classroom sa tag-ulan at ang mas mahirap pa paano kung walang available na classroom, saan sila mag aaral? Kailangan ng maayos na learning atmosphere ang isang student para makita niya ang halaga ng pag aaral niya, isang atmosphere na tulad ng maayos na tahanang magpapalaki sa kanya.
Libro at educational equipments – Masakit man pero ito ang totoo naranasan kong mag aral noon sa isang public school na dalawa o tatlong piraso lang ng libro ang meron ako at kailangan makishare sa ibang merong nabigyan ng libro na wala ako. Paano matututo ang isang estudyanteng hindi makapag aral sa bahay sa lecture kinabukasan o gumawa ng assignment kung wala siyang librong gagamitin kung hindi siya manghihiram sa iba. Habang ang ibang libro kung hindi punit ang mga pahina, nasulatan na ito at ang mag nakakahinayang ay ang mga ito ay luma na talaga at kailangan nang palitan. Hindi lang libro ang issue na haharapin ng mga estudyante mga sirang blackboard, at mga kulang at sira sirang teaching aide ng mga teachers.
1 = 45 – Isang guro sa kada 45 na students sa silid na paaralan. Ito ang ideal na dapat makikita mong scenario sa loob ng isang classroom, may isang guro kada 45 students sa isang room, pero ngayon hindi na nangyayari ito dahil sa paglaki ng populasyon ay hindi na nagiging makatotohanan ang 1 = 45, dahil sa kabila ng paglobo ng bilang ng mga estudyante ay siya naman ang pagbaba ng bilang ng mga guro dahil bukod sa pagbaba nang mga bagong gurong dumarating ay siya naman ang pag alis ng iba na naghahanap ng ibang opportunity sa ibang bansa. Paano matututo ang mga estudyante kung marami sila sa isang classroom at paano sila matututukan ng mga teachers ang mga student niya kung siya mismo ay napapadalawang uisip na sa bokasyong pinili niya.
Babala at karahasan – Para sa mga kabataan nag-aaral sa Mindanao suliranin nila ang kanilang security dahil mula sa kaguluhang nangyayari dun ay nagkaroon ng insidenteng nakidnap ang ilang mga guro sa Zamboanga City noong January, sa Maasim Saranggani naman ay ang tumitinding awayan ng mga military at mga MILF, at ang pagkasira ng mga silid aralan sa Sorsogon dahil sa bagyong Dante. Bukod dito ay binabantayan din ng Department of Healh at Department of Education Influenza A(H1N1) virus na kung saan ay nagbigay sila ng mga alert para malaman kung kainlan kakailangan ang pagsuspinde ng mga klase.
Mula sa budget na 158, 210 142 pesos na ipinasa noong January 21, 2009, isa lang ang katanungan ko maayos bang nagagamit ang budget na ito sa kapakanan ng mga estudyante o magiging panibagong headline na naman ito patungkol sa nasayang na budget dahil sa mga computers na binili nga pero hindi nagamit kundi nasira pa, gayon din sa mga libro, silid aralan at mga sweldo ng mga teachers. Napaka-importante ang edukasyon sa lahat sana maging maayos ito dapat mas bigyang pansin ng lahat.
Image courtesy of TV Patrol World