>var addthis_pub=”angsawariko”;
Kinasal na o nagsama na ang partidong Lakas CMD at Kampi na kung saan ito ay may possibility na magkakaroon ng malaking impact sa darating na election. Habang sina Congressman Luis Villafuerte, MMDA Chairman Bayani Fernando at Senator Richard Gordon ay hindi umattend sa sinasabing kasalan. At ang hindi pa miyembro kagaya ni Vice President Noli de Castro at Secretary of National Defense Gilbert Teodoro ay present sa nasabing kasalan ng dalawang partido. Pero sa kabila nito ay minaliit ito ng dating presidente Erap Estrada.
***
Hindi pa man tumatagal ang samahang ito ay may lamat na na kung saan ang ilang mga miyembro ay hindi pumunta dito. Sa akin lang ay panibagong circus ito na kailangan natin bantayan dahil ngayon pa lang ay marami nang nangyayari, ayaw ko pa magbilang kung hanggang kainlan sila tatagal, ieenjoy ko pa ang panonood ng sistema nila at prosesong gagawin sa kanilang pamimili sa bagong set ng pambato nila sa election. Dito rin natin malalaman kung nararapat ba silang suportahan? Gayon din sa oposisyon magbantay tayo sa kung sino ang maingay, kung sino maraming exposure at ang mismong proseso ng pamimili nila ng pambato ay bantayan din natin ito dahil sa ganitong pamamaraan ay makikita natin kung sino ang nararapat iluklok sa pwesto. Huwag tayong papabulag sa popularity at mga pre-mature political ads na naglipana. Matalino na tayo at mulat na alam natin kung sino ang ngayon pa lang ay pumoposisyon na sa posisyon kaya nila tayo kinokondisyon ng maaga. Sa mga hindi pa rehistrado sa 2010 election ay maaari pa kayong magparegister dahil sa boto ng bawat isa nakasalalay ang kinabukasan ng bansa.