>var addthis_pub=”angsawariko”;
Ngayon ang araw na nakatakda na magpadrug test sina Katrina Halili, Hayden Kho at Irene Kho sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pero mula sa tatlong ito ay wala ni isa ang nagpadrug test. Dumating si Katrina Halili ng 1 pm sa PDEA pero para ito sa investigation na ginagawa ng PDEA. Nakipagpulong si Katrina kay Director General Dionisio Santiago para sagutin ang katanungan na kaugnay sa issue ng drugs na sinasabi ng kampo ni Hayden. Matapos ang isang oras na meeting ay umalis na si Katrina at ipinagpaliban ang nakatakdang drug test niya. Habang sa 3pm na schedule naman nina Hayden at Irene sa PDEA ay hindi sumipot ang mag ina para sa kanilang drug test.
Ayon kay Agent Derrick Carreon, Public Information Office Chief ng PDEA ang proseso na pagdadaanan nila Katrina na drug test ay sa pamamagitan ng hair sample na kung saan ang traces ng drugs ay mas matagay ang stay nito sa buhok kaysa sa urine sample.