>var addthis_pub=”angsawariko”;
“Dahil sa kapusukan ng kabataan ngayon napapasubo sila sa responsibilidad na maging batang ama ng tahanan kasama na ang responsibilidad at hirap ng katuyuang ito”
Kung nagulat tayo sa balitang lumabas tungkol sa isang kabataang naging ama sa edad na 13 (trese) na si Alfie Patten ng United Kingdom ay hindi nalalayo ang estado ng mga kabataan sa Pilipinas na nasasangkot sa maagang responsibilidad na maging ama. Last May 5 ipinakita sa The Correspondents ang suliraning kinahaharap ng mga kabataan dahil na rin sa kapusukan nila sa pakikipagtalik o sex. Documentary nilang Tatay na si Totoy (The Kid is now a Father) na ibinalita ni Nadia Trindad ang kasalukuyang estado ng mga batang ama at ang mga consequences na hinaharap nila ngayon. Sa panahon ngayon ay may naitala mula sa pananaliksik ng Philippine General Hospital na mayroong 309 na menor de edad na nabubuntis at 3 mula sa kada sampu at nabubuntis ng kapwa menor de edad nito o mga batang ama. At kahit menor de edad ay kadalasang mulat na sa kumplikasyong pinasukan nila, ito nakasaad sa research ni Dr. April Rhieboy Andal MD na The Filipino Teenage Father’s Attitude to Fatherhood.
Youth’s Raging Hormones
Sa maagang edad karamihan sa mga kabataan sa panahon ay naging bukas na sa iba’t ibang bisyo mila sa sigarilyo, alak, drugs, at pakikisalamuha minsan sa maling barkadahan. At dahil sa mga barkadang tulad nito na liberal sa usapan ng sex at paggawa ang ilan sa mga kabataang nasa edad na mula sa 13 hanggang 18 ay maagang nagiging mga ama dahil sa panilang pag e-experiment sa kanilang kapusukan sa sex at pag gawa nito na unprotected.
Para sa kabataan ngayon ang peer pressure ang isang dahilan kung bakit nakakapasok sila sa mga bagay tulad nito. Ayon kay Dr. Emma Llato, specialist for Adolescent Medicine na ang pagka-impulsive ng kabataan na kung saan ang pag experiment nila sa sex ay minsan ginagamit nilang daan para may mai-prove sa kanilang mga kaibigan, mula sa pagkalalaki, pagiging mature at dala na rin ng kapusukan nila na nahaluhan ng alak aty droga.
Kritikal ang adolescent stage na kung saan ang edad na ito ay tinatawag rin nating curiosity stage ng tao, na kung saan gusto niyang pasukin ang napakaraming bagay lalo na ang usapang sexuality.
Ang Hirap matapos ang Sarap
Kapusukan, ito ang nag udyok sa mga kabataang mag experiment sa sex at mula sa sarap na nadanasan nila ay may kaakibat naman itong habang buhay na consequence na dadalhin nila. Ang ilan ay napipilitang tumigil sa pag aaral lalo na ang mga kabataang nasa middle at lower class para magtrabaho dahil walang sapat na pera ang pamilya nilang tulungan at sustentuhan ang anak nilang na sa murang edad ay nag umpisa na ring bumuo ng pamilya na hindi naman handa.
Mula sa biglaang pagtalon ng kanilang pamumuhay na kung saan sa maagang edad ay nagkaroon na ng malaking responsibilidad ay critical din ang kalagayan ng mga kabataang maagang nabubuntis dahil sa mura nilang katawan na karaniwan ay payat ay delikado ang kanilang pagbubuntis.
At ang mga batang ama na hindi nakatapos ng pag aaral dahil ay na-force silang tumigil sa pag-aaral para magtrabaho pero dahil sa hindi nakatapos ay maliit lamang ang chance nilang makakuha ng maayos na hanap buhay at pagkakakitaan para sustentuhan ang kanyang pamilya.
Stop, Look and Listen
Ang simbahan at gobyerno ay may kapangyarihan para ma-stop ang ganitong uring kultura na nangyayari sa kabataan. Pero kadalasan taliwas ang pananaw ng dalawang sector na ito, ang Gobyerno na nagpupush ng Sex Education sa paaralan na maglalayon na turuan ang mga kabataan ukol sa usapin ng sex at mga pag-iingat nito at ang reproductive health na hanggang ngayon ay pinagdedebatehan sa congress dahil maraming pumipigil dito kasama na ang simbahan. Habang ang simbahan ang tanging pamamaraan nila ay sa pamamagitan ng iba’t ibang activity na inaanyayahan nila ang mga kabataan sumali at ang mariing pagbatikos nila sa pre-marital sex at iba’t iba pang bagay na taliwas sa paniniwalang moralidad ng simbahan.
The parents should look deeper sa mga pangangailangan personal ng kanilang mga anak at kailangan nilang mag-listen sa mga katanungan nila, at ang usapin tungkol sa sex ay hindi dapat tinatago sa kanila. Dahil ang karamihan ng kabataang nabubuntis ay silang hindi sinasagot ng mga magulang ang kanilang mga katanungan bugkos ay sila mismo ang tumutuklas nito.
Pero sa huli ang desisyon pa rin ay nasa kabataan kung aling buhay ang kanilang tatahakin at kung anong mga desisyon ang kanilang gagawin.