>var addthis_pub=”angsawariko”;
Siguradong aware ka kung ano ang EDSA o Epifanio delos Santos Avenue, ito ang karaniwang bina-byahe mo kung papasok at pauwi ka mula sa eskwela, o tabaho. Ito rin ang mahabang kalyeng nagdudugtong sa limang lungsod sa Metro Manila, ang Caloocan, Quezon City, Mandaluyong, Makati at Pasay.
Pero sa mahabang byahe natin nasubukan mo na bang sumulyap sa rebultong nasa pagitan ng Santon Station at Ortigas Station ng MRT? Marahil oo, pero sa panahon ngayon iilan na lang ba ang makakaalala at magsasabing 23 years ago na ang EDSA ay nagsilbing daanan at saksi sa mga taong komontra laban sa batas militar at pagsikil sa karapatang pangtao at karapatan sa pamamahayag ng napatalsik na rihemeng Ferdinand Marcos at ito ay naganap noong February 25, 1986.
Laban ng isang may bahay na humihingi ng katarungan sa yumaong asawa ito ang imahe na ipinakita ni Corazon Aquino ang biyuda ni Ninoy Aquino. Pero sa paningin ng mga taong sumama at nagmartsa sa kahabaan ng EDSA hindi isang simpleng may bahay lamang si Cory, kundi isang inang handang kumalinga sa baying biktima ng kalupitan ng ama ng bayan. At dito ang isang ilaw ng tahanan ay naging ilaw ng bayan, mula sa EDSA Revolution ay naging presidente si Corazon Aquino.
Pero matapos ang 23 years mula sa EDSA Revolution, muling nagbabalik ang pangyayari sa kasaysayan, ang walang pakundangang human rights violation, paghigpit sa kalayaan ng pamamahayag na kung saan nakikita natin sa panukala sa senado na right to reply, at ang katiwalian sa gobyerno. Paulit ulit lang ang nagaganap napapalitan lang ang mga taong gumagawa nito. Muling naulit ang EDSA Revolution ay siyang naging daan upang mapatalsik ang rihemen ni Joseph Ejercito Estrada noong January 2001. Pero ang laging tanong ng karamihan lagi na lang ba tayong babalik sa EDSA upang magprotesta at nag-aklas? Hindi ba dapat maging aral ang EDSA at tagapag-alala sa atin na minsan ay biktima tayo ng pagsikil sa karapatang pantao, katiwalian sa gobyerno at ang pagpigil sa karapatan sa pamamahayag. Minsan na tayong naging biktima, hahayaan pa rin ba natin itong maulit pa uli? Kailangan pa ba ng isang Ninoy na magbubuwis ng buhay para gumising tayo at magbantay sa gobyerno at lipunan. Hindi pag aaklas lamang ang aral na natutunan natin sa EDSA, hindi lang pag-kakaisa at hindi lang ang pagiging palaban, kundi tinuruan din tayo ng EDSA na maging matalino at makabayan. Maging wais sa pagpili ng namumuno sa bayan at ang makabayang hindi ipagpapalit ang prinsipyo kapalit pera para sa nag iisang boto.
Maging aral nawa sa bawat pagdaan natin sa kahabaan ng EDSA ang mga pinaglaban noon ay ipagpatuloy at ipagpapatuloy natin at ng mga darating pang mga darating pa.
Mapagpalayang 23rd EDSA Revolution!