>We are missing the point here…
Noong Sunday inutos ni President Gloria Macapagal Arroyo ang leave of absence ng mga piskal na may kaugnayan sa issue ng suhulan ng korte kaya nabasura ang kaso ng droga ng tinaguriang Alabang Boys na nahuli ng PDEA noong nakaraang taon.
Tulad ng isang sabungan ay nag pula ng kasuotan at arm band ang mga nagtratrabaho sa Depratment of Justice bilang protesta sa kautusan na leave of absence ng kanilang mga kasamahan habang all white naman ang PDEA bilang pagpapakita ang kalinisan daw ng kanilang mga konsensya.
Pero sa bagay na ito sino na naman ang naguguluhan sa batuhang nagaganap sa pagitan ng PDEA at DOJ, maaari ngang may nagaganap na anomalya pero ang totoo nalilihis tayo sa totoong issue na dapat ay matagal na nating inaayos lalo na ang mga nasa gobyerno at iyon ay ang sugpuin ang issue ng drugs sa Pilipinas. Natawa na lang ako noong sinabi ng PDEA last week sa balita na ang Pilipinas ay ang bansang may mataas na Drug Case sa buong ASIA, ito lang ang tugon ko, nasasabi nga ninyong ganyan nga ang estado ng bansa tungkol sa kaso ng DROGA, may concrete plan na ba tayo para sugpuin ito o patuloy pa rin ang iringan ng dalawang kampo. Kung may sinasabi ang PDEA na may suhulang nagaganap sa DOJ, sabihin nila ang pangalan ng diretsuhan kaysa ipa-LOA ito ni PGMA kaso mas tumatagal ang imbestigasyon mas nagiging matagal ang kaso at ang dapat sanang ginugugol na para mag-isip ng matibay na kampanya laban sa droga.
Again we are missing the point here…
Subscribe to Email Blast
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;