>
Para sa isang kagaya kong hindi bihasa pagdating sa usapin ng kasaysayan, nakilala ko si Jose P. Rizal sa apat na bagay na siyang naging parte ng buhay ko at nating lahat. Si Rizal ay araw araw natin nakikita sa bulsa at wallet ng bawat isa, sa PISO. Parte na ng buhay natin ang minsan ay namasyal tayo sa Luneta at nakita natin ang monumento ni Jose Rizal. Hindi mawawala sa mga requirements natin noong nag aaral pa tayo na kailangan magdala ng mga pictures ng mga bayani at isa sa laging kumukumpleto ng collection natin ay ang post card ni Rizal. At ang kulang ang curiculum natin sa paaralan kung hindi natin kinuha ang subject na Filipino na parte ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa mga dapat nating pag-aralan lalo na ang pag-aaral ng mismong buhay ni Rizal bilang isa sa mga basic units natin sa kolehiyo.
Marahil tatanungin nyo ako kung anong connect nito sa mas malaking celebration natin ng ika-112 Rizal Day ngayong December 30. Simple lang at ito ay ang pagiging parte ni Rizal sa buhay ng bawat isa sa atin, Ang Piso o peso ang sumisimbolo sa currency ng pera ng bansa na kung saan isa sa mga basehan ng Kalayaan ng isang bansa. Ang monumento ni Rizal sa Luneta, na siyang nagpapahiwatig na doon sa lugar na yun 112 years ang nakakalipas ay may isang tao, kasama nila Andres Bonifacio at iba pang mga bayaning naglakas ng loob na lumaban at mamatay para sa kalayaan ng bayan. Ang mga larawan o post card na nagpapaalaala na tulad ni Rizal ang pagpapahalaga sa pag-aaral. At ang huli ang mga nobelang iniwan niya kasama ang mga iba pang mga tula, kwento at sanaysay na kung saan ibinahagi niya ang buhay noon na maaaring nagyayari pa rin sa panahon ngayon ang pamamaraan niya sa pagmulat ng tayo na kahit 112 years na syang wala hindi pa rin natatapos ang pakikipaglaban niya kasama ang mga iba pang bayani iba’t ibang uri ng paninikil sa kalayaan ng bayan at indibidwal na Filipino.
Dahil iba iba man ang titulo ni Rizal ang tanging titulong maiintindihan ng lahat pati ng mga taga ibang bansa ay siya ay isang Filipino, may pagmamalasakit, pagmamahal sa bayan at namatay para sa bayan at sa kapwa niyang Filipino. Hari nawa hindi lang sa monumento, sa piso, sa larawan at mga nobela alalahanin natin si Rizal bagkos alalahanin siya sa bawat kapwang nakakasalamuha natin kasama ang mga bayani at mga ilang hindi napangalanan pang namatay para sa bayan at mga henerasyong darating pa dahil ang laban nila ay hindi natapos noong 1898 kundi patuloy pa rin at tuloy tuloy pa rin. Isang malaya at punung puno na pagmamahal sa bayan sa ika 112 Araw ni Rizal!
Subscribe to Email Blast
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;
nuffnang_bid = “e682da9cbfb6dff4b2924d091a2df663”;