>http://i51.photobucket.com/player.swf?file=http://vid51.photobucket.com/albums/f374/Kramic/2008.flv
Hindi man naging komprehensibo ang mga nilalaman ng blog ko at hindi ring anon kabibigat ang minsan tinalakay ko ay may ilan ding mga bagay bagay na binigyan kong diin at naibahagi ko sa mga taong patuloy pa rin nagtyatyagang magbasa ng mga blog entries ko, kaya narito ang mga ilan sa mga naisulat ko sa loob ng isang taon, ang taong 2008:
Sa pagpasok ng unang buwan ng 2008, January 17 ay hindi pa rin natatapos ang usapin ng Cheap Medicine Bill, ang kautusang magiging regalo sana ng gobyerno sa mga taong bayan, ang batas na kung saan mag re-regulate sana sa presyo ng gamot para maging abot kaya nganit sa kasamaang palad ay hindi magkasundo ang kongreso at senado dahil sa isang provision ang “Generic Only” na pagrereseta na kung saan ay nagbanta nang hospital holiday ang ilang mga doctor bilang protesta sa provision na ito na kung saan nire- require ng panukalang ito na tanging generic names lang ng gamot ang dapat ireseta at hindi brand. Bukod sa usapin ng kalusugan, nais tugunan ng Department of Education ang bumababang bilang ng guro dito sa Pilipinas kaya ipinakilala nila ang programang Teacher Ko, Idol Ko, isang programang maglalayong bigyan ng scholarship ang mga kabataang nais maging guro lalo na sa mga subjects kagaya ng Math at Science na kung saan matapos silang makatapos ay kailangan nilang bumalik sa kanilang probinsya upang magturo sa mga public schools na siya naman magiging kapalit ng nakuha nilang scholarship.
Napatuyan na pagdating sa pulitika ay walang kumpare, kumare at kamag-anak lalo na sa mga sigalot sa pamahalaan hindi naging maganda para kay dating Speaker Jose de Venecia ang buwan ng Pebrero dahil ito ang huling buwan niya bilang House Speaker ng kongreso matapos na kabilang Datu Arroyo at Mikee Arroyo na pawang inaanak niya sa kasal at kasama sa kongreso ay nagsulong ng pagkakatanggal niya sa posisyon at ni Congressman Prospero Nograles ang siyang naibotong humalili sa kanya, at ang dahilan ng pagkakatanggal sa kanya, ang usaping ZTE Broadband Deal na kasama ang kanyang anak na si Joey De Venecia laban sa mag asawang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Mike Arroyo. Habang sa usapin pa rin ng education, ay patuloy pa rin ang pagharang ng simbahan sa panukala ng pagkakaroon ng Sex Education sa subject ng pampublikong paaralan.
Ang buwan ng Marso ay naging nagsilbing eye opener para sa lahat, ang una ay ang sa pamilyang Corazon at Kris Aquino na kung saan at ibinalita ni Kris na may colon cancer ang ina niyang si dating President Cory Aquino at matapos ang pagbabalitang ito ay panibagong balita mula sa kanilang pamilya at iyon naman ay ang miscarriage ni Kris na dapat sana ay ipagbubuntis niya ang ikalawang anak nila ni James Yap. Pagpapahala sa kalikasan at karapatan, ito rin ang tema ng Marso na kung saan ay nagbalik ang mga Sumilao Farmers sa Malacañang upang hilingin ang karapatan nila sa 144 hectares na lupain na sinasaka nila sa Sumilao Bukidnon na ilang metro ang kanilang nilakad mula sa kanilang lugar patungo sa Malacañang. Sa buwan ding ito ay sama samang pinahalagahan ng lahat ng tao sa buong mundo ang Inang Kalikasan na kung saan lahat ay nagpatay ng kanilang mga ilaw sa loob ng 60 minutes o 1 hour bilang pagmulat sa unti unting pagkamatay ng ating kalikasan sa pamamagitan ng taunang proyekto nilang Earth Hour.
Mainit ang April kasing init ng mga revelation sa buwang ito, mula sa mahabang pila ng mga NFA Rice sa mga munisipyo at palengke sa buong mundo dahil sa sinasabi nilang mayroong Rice Shortage, sa nakakagulat na pag amin ng isang lesbian na Filipino na si Thomas Beatie siya ay nagdadalang tao pagkatapon niyang dumaan sa artificial insemination, ang Canister Scandal na kung saan nagpataas sa mga kilay ng mag sumabaybay at natanong natin ang mga credibility ng mga doctor at nurse na kasangkot dito at ang mala teleseryeng buhay ni Brian Gorrell na kung saan dinawit niya si DJ Montano at ilan pang mga miyembro ng elite society sa usapin ng drugs, sex and money na naging sentro ng kanyang mga blog entries na sinubaybayan ng lahat.
Malungkot ang Mayo para buong bayan nang nagpaalam ng tagapagtanggol ng manggagawang Filipino na si Crispin Beltran at ang karumaldumal na bank robbery sa RCBC Cabuyao Laguna.
Nagpaalam naman ang batikang actor na si Rudy Fernandez sa pagpasok ng buwan ng Hunyo habang nagbibighati ang industriya ay nakakita naman tayo ng pag-asa at paglaya na kung saan ay nakalaya si Ces Drilon sa kamay ng ma bandidong dumukot sa kanya ng ilang linggo at ang pag-launch ng ABS-CBN ng bago nitong programang tutulong sa kampanyang solusyunan ang problema sa kahirapan ang BAYANIJUAN.
Patuloy ang pagluha ng industriya ng entertainment nang namaalam naman ang director na si Gilbert Perez. At napuno rin ng pangako ang buwan ng Hulyo nang inihatid ni President Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang State of the Nation Address sa taong 2008.
Pagpapaliwanag at pagkagulat ito ang tema ng Agosto, mula sa pagkagulat ng lahat sa inasal ni President Gloria Macapagal Arroyo sa pagtataray niya sa kanyang mga staff sa harap ng media. At ang pagpapaliwanag kung bakit kailangan magkaroon ng Psychiatric test ang mga Overseas Contract Workers na kung saan ipinapanukala ng Department of Foreign Affairs tila yata mas nag iisip sila ng mas ibang solusyong hindi naman tuwirang sagot sa issue ng violence at pagyurak sa karapatan pang tao sa ating mga OFW, at tinatanong na rin natin ang pamahalaan kailangan ba talaga natin ang Charter Change na parehong nakatala sa mga unang entry ko sa FilipinoVoices.com
Patuloy ang pagtatanong ko noong September na kung saan aware tayo sa kakarampot na budget ng edukasyon sa pampublikong paaralan, mula sa kakulangan sa facility kagaya ng upuan, libro, blackboard, at iba pang mga instructional facilities sa paaralan at ang kakulangan sa silid aralan at ang mababang sweldo ng mga guro, ay may lumabas sa balita na nasasayang ang pondo ng Department of Education dahil sa hindi maayos na paggastos nito.
Karapatan ito ang hiniling ko sa mga blog entries ko noong October mula sa karapatan ng mga taong alamin kung paano sugpuin ng issue ng kahirapan sa Blog Action Day na patungkol sa mukha (uri) ng kahirapan, at gayun din ang karapatan ng mga OFW lalo na sa issue ng diskriminasyon, na kung saan naging sentro ang isang Pinay Domestic Helper sa isang palabas sa BBC na kung saan object ito ng katatawanan na kung saan ay umani ito ng napakaraming batikos.
Pag-asa at Umaasa, ito ang mukha ng Nobyemre nang hiranging unang black president si Barack Obama ng United States of America na kung saan umani siya ng pagrespeto at inspirasyon mula sa mga taong sumabaybay sa kanyang kampanya hanggang sa kanyang pagkapanalo. Umasa naman si Jejomar Binay na kung saan naging inspirasyon niya si Barack at nag announce siya ng kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas. At mas umasa naman si Press Secretary Jesus Dureza sa kanyang dalanging pahabain pa ang termino ni PGMA lagpas pa sa 2010 ang taong nakatakdang matatapos ang kanyang termino sa pagkapangulo.
Mabibigat na statement ang naglabasan sa buwan ng Disyembre, mula sa paglipat ni Karylle sa ABS-CBN pagkatapos ng kanilang paghihiway ni Dingdong Dantes, ang malawakang kampanya ni Judy Ann Santos para maipasok sa Oscars ang pelikula niyang Ploning, ang paggamit ng internet sa mga pagkontra sa charter change at iba pang katiwalian sa gobyerno na hatin ni Juana Change, at ang humabol bago matapos ang taon ang issue ng pag-adopt ng ABS-CBN sa movie na Twilight na kung saan umani ito ng batikos at mariing itinanggi ng TV Network ang adaptation ng palabas na ito.
Maraming nagyari sa 2008, kontrobersyal na nakakainis, nakakaiyak, nakakaawa, at nakakatawa nasa atin na lang kung anong stand natin sa mga pangyayaring ito. Maging aral sana ang mga naganap sa 2008 para hindi na maulit ang mga ito sa 2009 o alam na natin ang gagawin natin sa mga pangyayari kung sakaling maulit ito. Sigurado mas marami pang mga bagay bagay na kakatuwaan natin, iiyakan, kakaawaan, kakainisan at katatawanan, at sigurado rin ang ilan doon ay makikita nyo uli dito sa blog na ito.
Subscribe to Email Blast
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;
nuffnang_bid = “e682da9cbfb6dff4b2924d091a2df663”;