Naprapraning na ba ako?
Hindi ko maalala kung noong mga naunang taong nagbyabyahe ako sa kahabaan ng EDSA at nakikita ko ang mga vehicles at offices ng Metro Manila Development Authority kung may sign iyon ng “Office of the President”.
Praning na nga ako siguro dahil sa kahabaan ng EDSA pati sa lugar namin sa Malabon ay bayaning bayani at namamayani ang mga Bayani Posters, Bayani Pictures, Bayani Stickers na may pangalan at mukha ni Bayani Fernando na either nakadikit sa blue at pink na bakod, sa blue at pink na poste, at blue at pink na bahay na libreng pintura na project ng blue and pink movement, also known as MMDA.
Bakit ako naprapraning kasi bago pa mag-declare sa pagtakbo si J(ejomar Binay)OBAMA noong nakaraang linggo na tatakbo siya sa pagkapresidente sa bansa ay obvious naman na si Bayani Fernando Jr. sa pagtakbo niya sa pagka-presidente ng bansa kaya kung ikaw ay isang psych major masasabi mong hinahanda na ang mindset ng taong araw araw dumadadaan sa EDSA para tumanim na sa isipan ng mga botante sa 2010 na si Bayani ay isa sa mga kandidato, kaya nga pati isang simpleng banner na nag aanunsyo ng proyekto ng MMDA ay kailangan pang mag mukha niyang kasama, sa madaling salita early promotion ng sarili niya at kasama na rin ito sa pagkasali at pagkapanalo niya sa Celebrity Duets Season 2 ng GMA 7.
Praning na kung praning ang akin lang ang ibang siguradong tatakbo na sa 2010 ay obvious na sa mga ginagawa nila ngayon at least kahit paano may ideya na tayo kung sino sino ang mga tatakbo, pero ang mas nakakatakot ay iyong mga tahimik at biglang tumahimik. Bakit kaya naghahanda ba sila o nakikiramdam pa sila kung ano kahihinatnan ng natitirang ilang taon ni President Gloria Macapagal Arroyo.
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;
nuffnang_bid = “e682da9cbfb6dff4b2924d091a2df663”;