>
Pero aminin natin taliwas ang panukalang ito sa totoong dapat ginagawa ng ating pamahalaan at ng mga embahada natin sa ibang bansa lalo na sa Middle East. Hindi kailangan ng mga domestic helper ang psychiatric test para malaman kung nararapat siyang isabak sa trabaho sa ibang bansa at kung may kakayahan sila sa aspeto ng emosyon at pag-iisip. Ang kailangan ng ating mga kababayang domenstic helpers at iba pang OFW ay isang matatag na security para sa kanila sa mga bansang napili nilang pagtrabahuan, security para sa kanilang karapatan, security nila bilang tao laban sa pang aabuso at pagmamaltrato ng mga amo nila at ito ang kulang sa ating pamahalaan at mga embahada sa ibang bansa.
Walang taong matatag ang kakayahan sa pag iisip at emosyon sa panahong mangibang bansa siya para humanap nang swerte para sa kanya at sa pamilya. Kung tuluyan ipapatupad ng Department of Foreign Affairs marahil wala nang pumasa sa mga domestic helpers nating halo halo ang emosyon dahil sa pag iwan niya sa kanyang pamilya sa bansa, at magulo ang isip dahil nangangamba siya sa panibagong hamon sa kanyang buhay, at kung anong kahihinatnan niya sa bansang pagtratrabahuan. Lahat walang kasiguruhan dahil ang pagtratrabaho sa ibang bansa kahit dito sa Pilipinas ay pawang pagsusugal lamang nang tapang, emosyon at pag iisip. Lumalayo na ang Department of Foreign Affairs sa totoong problema at mas lalo pa nitong pinahihirapan ang mga taong nag nanais magkaroon ng swerte sa ibang bansa.
Isang malaking ANG SA WARI KO lang, alam ba nila ang suliranin ng ating mga kababayang domestic helpers at mga OFW sa banyagang lupain? Sana OO alam nila, para saan pa’t nasa pwesto sila, dahil para sa akin hindi Pyschiatric test ang sagot sa matagal nang suliranin ng mga migranteng Pinoy sa ibang bansa kundi isang masasandalang embahadang alam ang karapatan at alam kung paano ipagtanggol ang kapwa Pinoy nitong biktima ng pang aabuso at pagmamaltrato. Ilan pa bang kabaong ang dapat salubungin nang mga pamilyang pinangakuan nang masaganang buhay para kumilos nang tama ang ilang mga embahadang ginagawa nila dapat ang kanilang mga trabaho, sana putulin na natin ang mga suliraning ito at magkaroon nang maayos na panukala para sa ating mga kababayan sa abroad.
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;