>
http://www.youtube.com/get_player
To be honest, I am planning to write something on Philippine Wedding ngayong araw na ito para makahabol sa June wedding articles like yung ibang mga bloggers, but instead of doing happy stories ngayon I want to write something about what recently stuck me most, ito yung pagsalanta ng Typhoon Frank. Tulad ng mga bayan ng Zambales, Romblon, Pampanga at Rizal, kasama rin ang lugar namin na Malabon sa mga biktima sa hagupit ng bagyo. Isa ang baranggay namin sa napabalitang dumanas ng pagbaha sa Malabon, pero para sa akin magaan pa ito kumpara sa mga lugar na mas dumanas ng hirap, gutom at lamig sa apat na araw na pananatili ng bagyo.
Mula sa ilang mga kababayan nating kailangan lumikas sa kanilang mga tirahan dahil sa mga matataas na pagbaha, kagaya ng Cavite, Bulacan, Zambales at Pampanga na kung saan nahirapan na rin ang mga rescue team na iligtas sila dahil sa lakas ng pag ulan at paghangin, hanggang sa mga biktima nang lumubog na barko na
Princess of the Stars na pag mamay-ari ng Sulpicio Lines. Hanggang ngayon nagtuturuan pa rin ang mga tao kung sino dapat managot sa trahedyang ito na naging daan sa pagkasawi ng ilang daang mga pasahero kasama na ang mga crew ng barko. Sa panahong ito, hindi ako makikiisa sa mga daliring magtuturo kung sino ang maykasalanan, walang makakapigil sa galit ng panahon. Pero ang sa akin lang ay maging bukas ang bawat panig na ayusin ang gulong ito, at ihanda ang mga tao sa mga ano pang darating na bagyo at kalamidad. Dumaan na tayo noon sa bagyong Milenyo, sa pagsabog ng Mt. Pinatubo at ang lindol na pumatay ng maraming tao sa Baguio noong 1990.Nabanggit ko na rin ang Typhoon Frank, parte na rin ng article kong ito ang pakikibahagi ko sa layunin ng Sagip Kapamilya, kaya kung sino man ang nais tumulong ay makipag ugnayan sa Sagip Kapamilya hotline
4132667 or 4114995, check out the video para sa ibang information. Sa mga tutulong salamat, si Lord na ang bahala sa inyong kabaitan.
Subscribe to Email Blast
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;