>Almost 5 years na noong iniwan kami ng aking ama dahil sa sakit na cancer, pero sa kabila ng kanyang paglisan ay mas pinatibay ng pangyayaring ito ang loob ng aking pamilya upang harapin ang mga hirap at hamon ng buhay. At sa limang taong ito, nakita ko ang iba’t ibang uri ng mukha ng isang ama at ang pagmamahal sa kanyang mga anak, asawa at ang responsibilidad bilang haligi ng tahanan.
Common sa atin ang larawan ng isang amang nagtratrabaho at binubuhay ang pamilya, pero sa kabila ng karaniwang nakikita natin may iba’t ibang mukha pa ng ama na karaniwang naisasantabi na lang natin. Para sa aking ang Happy Father’s Day ay hindi lamang kay tatay na may mga anak at asawa, kundi para rin ito sa mga inang tumayo bilang ama sa kanilang mga anak at tinaguyod mag isa ang pamilya. Para rin ito sa mga lalaking wala mang pisikal na anak ay tumayo namang ama para sa komunidad, organisasyon, at lipunan, dahil ang pagiging isang ama ay hindi lamang isang obligasyon, hindi lamang isang responsibilidad, kundi isa ring bokasyon na higit pa sa 24 hrs at 7 times a week.
Sa mga haligi ng tahanan, sa mga babaeng tumayong ama sa kanilang mga anak at apo, at sa mga tumayong ama sa lipunan at komunidad, isang pagsaludo sa inyong kadakilaan at pagmamahal. Happy Father’s Day po Tay!
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;