>
Hindi man ganun kabigat ang issue ng domestic violence sa lipunan kagaya ng political killings, media censorship, at racial discrimination talamak naman ang ganitong uri ng human rights hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Sa kasamaang palad ang kasong tulad nito ay patuloy pa rin nagtatago sa alibi na family problem lamang at iilan lamang ang may lakas ng loob na gumawa ng hakbang laban dito.
Mga kababaihan ang karaniwang biktima ng karahasang ito na dulot ng kanilang mga asawang lango sa alak o anumang bisyo, ngunit nananatiling piping saksi ang apat na sulok ng bahay sa pagmamalupit sa tinaguriang ilaw ng tahanan. Sa kabila nito walang ng pagmamalupit na ito ay ang nananatiling tagapagbalita lamang sa lipunan ay ang mga tsismosang mga kapitbahay pero ang mga dyaryo at telebisyon iilan lamang ang nagtangkang ibalita ito dahil iilan lamang ang may pakialam sa karaniwang “problema” ng isang pamilya at personal nilang pamumuhay.
Kainlan maituturing na tahanan ang isang bahay na naging saksi sa kalupitan at pagmamaltrato? Karaniwan napapanood natin ito sa mga palabas sa sinehan at telebisyon mga eksenang sinasaktan ng ama ang kanyang asawa, ang amang pinagsamantalahan ang kanyang anak, at ang anak na kumalaban at nanakit ng kanyang mga magulang at kapatid. Nangyayari rin ito sa totoong buhay ngunit kulang ang kaalaman ng mundo sa napakalawak na issue ng ganitong uri sa paglabag sa karapatang pantao. Dahil mas sanay tayo sa karahasan ng pagpatay ng mga pulitiko at manunulat, paninikil sa media, at ang patuloy na pakikipaglabat ng mga kapatid natin sa Tibet, pero ang personal na karahasan sa bahay inaalintana ba natin ito? Nararamdaman ba natin ito o manhid na rin tayo sa sakit na dulot ng bugbog at pagmamaltrato sa ating mga pagkatao, o baka pipi na tayong saksi dahil sa takot nating maeskandalo ang ating mga pamilya.
Ang bawat isa ay may karapatan sa pagpapahayag at karapatan pangsarili lalo na sa loob ng ating pamamahay o tahanan kung ating maituturing. Hindi natatapos ang laban against domestic violence, hanggang patuloy pa ring may sinasaktang asawa, kapatid, o kapamilya dahil kung ano man ang nangyayari ngayon ay nangyari noon at maaaring mangyari bukas. Hindi natatapos ang cycle ng tahasang paglabag sa karapatan pantao, kagaya sa domestic violence, at racial and gender discrimination dito sa bansa at saan man parte ng mundo, paulit ulit lang ito, hindi natatapos, hanggang walang taong naglalakas ng loob na pigilan at puksain ito. Bilang pakikibahagi sa International Human Rights Celebration, nakikibahagi ako sa layuning ito, at hari nawa magkaroon na ng tuldok ang walang hanggang paglabag sa karapatang pang tao. Respeto, kapayapaan, at ang patuloy na pagbabantantay sa mga taong patuloy pa rin lumalabag sa karapatan.
Subscribe to Email Blast
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;