>
Di pa rin natatapos ang kalbaryo ng mga Sumilao farmers sa Bukidnon na noon nakaraang taon ay nagmartsa patungong Malacañang upang iprotesta ang kanilang karapatan sa kanilang lupaing sakahan na ngayon ay ginagawang hog farm ng San Miguel Corporation. Nakakadismayado kung titignan nating pinangakuan na sila ni Gloria Macapagal Arroyo bago magpasko pero sa kasamaang palad napako ang mga pinagako nito sa mga Sumilao Farmers at ngayon sila ay nagbabalik upang singilin ang pangulo sa kanyang mga sinabi noong December. Ngayong araw na ito ay nagsagawa ng ritual ang mga Sumilao farmers na nagpatay ng apat na manok alinsunod sa panimula nila sa kanilang paglalakad paikot sa Malacañang hanggang 6pm para ipanawagan kay PGMA na ibigay na sa kanila ang karapatan sa 144 hectares ng lupa.
Krimen ba ang pagtitinda para sa ikinakabuhay ng mga pamilya? Hanggang ngayon isa pa ring malaking katanungan sa akin ang gawain ng MMDA na kung saan tahasan nilang ginigiba at sinisira ang mga maliliit na tindahan sa bangketa at sa ilang mga palengke tulad sa Wet and Dry Market sa Commonwealth na kung sa 50 na stalls ang sinira at ilang mga nagtitinda at mga estudyante ang nasaktan at nasugatan dahil sa pagpipigil nila sa demolisyon. Nakakadismayado ang gawaing ito ng MMDA na naging saksi ako kung paano nila kunin at sirain ang mga mumunting pinagkakakitaan ng mga kababayan natin. Paulit ulit ko tinatanong alin ang mas Krimen ang magtinda sa kalsada o pagnanakaw para sa pagtugon ng mga kumakalam na sikmura?
Nakakadismayado ang mga bulag at nagbibingi bingian na mga pulitikong nag papayaman sa kaban ng bayan, at ngayon nangangampanya sila para sa pagbabayad ng buwis sa April, sagutin muna nila ang mga issue nila bago sila maningil sulit ba ang buwis na binabayad ng mga tao? O para lang sa pagkain at kapritso ng mga buwaya sa gobyerno?
Mga Imahe mula sa News Patrol