>… sa kwarto ko sa loob ng tatlong araw hahahaha
Hindi ako yung taong mahilig talagang maglakwatsa at mag escapade tulad nang out of town at mga road trip. May tatlong reason ako kagaya ng kaibigan kong si Cherry na taga publishing at yun ay mainit, Mainit, MAINIT! Yup ayaw ko maarawan talaga at ayaw ko rin mainitan ng sobra kaya minsan kung napipilit man ako na mag beach o kahit saan isa lang reklamo ko at yun ay ayaw ko mainitan. Pero ayaw ko rin naman na malamigan ako ng sobra kaya di kop rin trip magbabad sa sobrang aircon dahil sumasakit ang likod ko. Hindi iyon signs ng katandaan, mababa lang talaga ang tolerance level ko sa lamig kaya madali ako sipunin.
Balik tayo sa aking bakasyon engrande ko sa aking kwarto, pakiramdam ko nag hibernate to the max ako dahil lalabas lang ako sa kwarto para kumuha ng pagkain at babalik sa room para dun i-consume ang kakainin ko. Tapos ilalabas ko ulki tapos cr, tapos balik ulit room. Yun ang routine ko sa loob ng 3 days ang gawaing tamad, Kain, tulog, tv at syempre maliligo naman ako at naenjoy ko yun, di yung nagmamadali ako sa umaga para maligo dahil hindi ako ginising ng alarm clock ko at ngayon sasakay ako sa bus na daig pa makipagdrag race sa EDSA para lang hindi ako ma late sa pagpasok. Sa wakas natry ko na rin yung coco milk conditioner na binili ko last december pa at yung scrub na niregalo sa akin noong pasko. Daig ko pa si Jolina habang kumakanta ng Chuva Chu chu dahil heaven ang magbabad sa shower dahil sa sobrang init ng panahon.
If you guys asking kung may productive naman ako nagawa, meron naman bukod sa pag uupdate ng isang site na hawak ko at pagkakaroon ko na ng private policy at about section ng blog ko ay natapos ko na rin ang marathon ko ng House MD Season 4 at nakacatch up na ako sa episode ng Psych at nalinis ko na rin ang room ko sa wakas mula sa napakaalikabok na crapet hanggang sa medyo maaliwalas na na kulay na bed sheets, di kasi ako fun ng white it’s ether blue or green lang naman ang kulan ng bed sheets ko mula sa plain design hanggang sa pang 70’s na kulay at looks basta mag match sa blue carpet ko at okay na sa akin yun.
Papatuloy ko lang ang dalawang kampanya ng blog ko sa 2008 so far at yun ay Half Rice Campaign at ang March this March. Sa mga nagbasa sa entry ko salamat at sa mga hindi pa okay lang sa mga Pinoy sa ibang bansa na bumibisita sa blog ko Go Global Pinoy at sa mga foreigners na nagbabasa sa blog ko pasensya na wala pang Tagalog English software sa Babel Fish at Alta Vista. Maybe soon try ko na mag English sa blog ko talaga or biligual. PBB Kick off na bukas sa mga malapit sa ABS-CBN punta tayo PBB Fan din ako at sa mga luluwas bukas sabi nga ni John Lloyd, “Ingat!”. Hopefully may matino na uli akong masusulat either news or techie review na maeenjoy ninyo. š