>While watching how other congressman plots to remove JDV in his position, naaalala ko ang ilang mga movie na medyo hawig sa mga nangyayari ngayon sa Kamara, at nakakalungkot isipin na di na maganda ang naidudulot nito sa mga taong nakakapanood ang sa akin nga ay nadidismaya ako sa panibagong sarswela at moro moro na naman ito ng pulitika dito sa Pinas. So sa panahon ngayon na nagiging public entertainment na naman ang palabas na ito sa Kamara kaya makikisali na lang ako sa mga balita ngayon.
JDV in The God Father the other way around version – kung sa movie ng The Godfather ay kontrolado ni “Ninong JDV” ang Kamara ng ilang taong nagdaan, pero sa lagay ngayon ang mga dating ginawa ni Ninong ay kinakalaban na ng kanyang mga “inaanak” tulad nga ng sabi ni Manay Gina De Venecia sa interview nya sa TV Patrol na ginagantihan siya ng mga inaanak niyang sila Datu at Mikee Arroyo pagkatapos noong nasangkot ang kanilang ama sa ZTE scandal na kung saan ang anak ng Ninong JDV nila ang nagbunyag.
JDV in Dreamgirls – Sino ba ang di makakalimot sa musical drama na ito na kung saan ang dating bida sa grupo ay si Effie White ang bida sa grupo na kung saan si JDV ang bida sa story ngunit ng nakakita ng chance si Deena Jones to be the star ginawa nya ang lahat at nakalimutan niya ang kanyang dating kasama na si Effie White. Remember the song Stepping on the Bad Side yun na yun.
and JDV in Miss Saigon – Pakiramdam ko habang nagsasalita ngayon si JDV sa harap ng mga kapwa congressman pakiramdam ko siya si Kim na kumakanta ng ON MY OWN, sa gitna ng giyera na nangyayari sa kamara ngayon.
Ang Sa Wari Ko: Sana ang pangyayaring ito sa Kamara ay para sana sa ikakaayos ng sistema ng kongreso pero nawa’y ang pangyayaring ito ay di sana maging mas malaking patalim na mas hihiwa pa sa napakalaking sugat na hanggang ngayon hindi pa rin humihilom dahil sa pagkakabaha bahagi at inginggan ng mga partidong sana isipin ang kapakanan ng mga nasasakupan nila at hindi ng pansariling estado sa posisyon. Hindi ako para kanino at hindi ako para sa ganitong partido at hindi ako tatakbo sa 2010. Ang sa akin lamang naniniwala pa rin ako sa silbi ng balotang pinaglagakan ko ng aking boto wag sanang sayangin ng mga nasa pwesto ang tiwala ng tao na sinasayang lang nila ang kanilang mga panunungkulan sa mga pagpapabango ng kanilang pangalan at paghahalukay ng baho ng kanilang kapitbahay. Nakakaamoy ako ng Chacha… wag naman sana.