>
February 11, 2008, Nagmartsa ang ilang mga Katolikong Obispo, pari, madre at layman patungo sa Munisipyo ng Quezon City upang iprotesta ang ordinansyang maglalayon na ituro ang Reproductive Health o Sex Education sa High School level sa lugar ng Quezon City. Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, mula sa Diocese ng Cubao, na ang ordinansya na ginagawa ng konseho ng Quezon City ay hindi dapat maging sapilitian sa lahat ng Katoliko. Taliwas naman ang dahilan ng ilang mga konseho na nagbuo ng ordinansya ayon sa kanila ito ay mabisang paghadlang sa lumolobong populasyong na dumadagdag sa kahirapan. Ngunit sa kabila ng pagpasa ng ordinansyang ito ay hindi pa rin susuko ang simbahang Katolika at kakatok sila sa pintuan ng Korte Suprema para pigilan ang nasabing ordinansya na taliwas sa pro life campaign ng Simbahan.
Ang Sa Wari Ko: Wala akong nakikitang mali sa ordinance na ginawa ng mga konseho ng Quezon City. Hindi ako kontra sa pananaw ng simbahan, isa rin akong Katoliko (hopefully pagkatapos ng article na to di ako uuwing ex communicated na) pero punto per punto lang tayo. 1. Public knowledge dapat ang issue ng populasyon hindi ito parang pitik bulag lang na pag naisipan ok lang mag anak dahil sa estado ng lipunan na ang paglobo ng populasyon ay mas nakakadagdag sa aspetong mas humihirap ang buhay dahil sa kakulangan ng pagsuporta sa lumalaking pamilya. 2.
Kung Pro life ang pag uusapan di ba mas masusuportahan nito ang mga incident tulad ng unwanted pregnancy na maaaring mag lead sa abortion. 3. at ang huli karapatan ng mga kabataan at mamamayan ang magkaroon ng sense of responsibility sa katawan, di naman itunuro ng paaralan ay kailangan na syang gawin in action kaya nga common and public knowledge and bagay na ito. Dahil ang sex ay hindi parang candy lang na nakikita mo mga convenience store na anytime na gustuhin nila ay may access sila na walang sense of responsibility sa isip nila. Ignorance excuses no one kaya ang sa akin lang may laya ang taong matutunan ang mga bagay tulad nito dahil sa huli buhay rin nilang sarili ang sasagot sa mga bagay na pinapasok nila.