>
Di ko man napanood ang Cinema One Original Movies last Nov 30 – Dec 2 because I was busy sa Hataw Hanep Hero 3 sa SMX, Mall of Asia, still I got change to watch the best picture, screenplay and director entry sa 2007 Cinema One Original kaninang morning lang sa isang special screening and it’s by invitation, thank God kasama ako dahil aside from Maling Akala and Altar I am eying on this movie and hindi ako nagsisisi I was amazed with Jerrold Tarog and Ruel Dahis Antipuesto, the Directors and Ramon Ukit the Screenwriter, on how they play the story, na kung saan nagkaroon ng tamang blend ang fiction at reality. Mula sa kung paano tayo pasunurin at pasilipin sa kakaibang mundo ng isang gumagawa ng documentary sa napakasayang Sinulog Festival sa Cebu patungo sa napakagulo at madilim na lihim ng pulitika na isinawalat ng isang dating mayor na ang tanging hiling sana magkaroon ng isang confessor na masasabihan niya ng kanyang mga sikreto at saloobin bago dumating ang inaasahan niyang kamatayan. Pinapakita nito ang emosyon sa likod ng kamera lalo na ang emosyon ng humahawak nito kung siya ba ay maniniwala sa isang kasinungalingan o magsisinungaling para talikuran ang katotohanan. Lies + Lies = Truth at nakabase ito kung saan ka maniniwala at ano paniniwalaan mo at paano mo ito tatanggapin.
Watch out Jerrold Tayog interview on ABS-CBN.com