>
My heart bleeds to the victims sa naganap na explosion sa Kamara kahapon, mula sa yumaong kongresista ng Basilan hanggang sa mga miyembro na nasugatan sa naganap na pagsabog. Sa huli tayo ang biktima ng naganap na pangyayaring ito, dahil until now we ask ourselves, who is/are the person(s) behind sa kaguluhan na ito. Kung hindi ako nagkakamali may apat na bagay na na pede nating isaalang alang bukod sa pagtuturo na terorismo ang naganap kagabi. Una ang impeachment complain na ipinasa nga mga kongresista laban kay PGMA, pangalawa nga umpisa sa napakahabang singilan ng Sandigangbayan kay dating pangulong Erap Estrada, pangatlo ang patuloy na pamamayagpag ng piso sa merkado na kung saan unti unting nilalamon na ang Pinas ng economic tsunami na tanging politikal o isang particular na event ang dapat may magbago sa daloy ng piso laban sa dolyar at ang bisperas ng hearing sa anomalya ng cash gift ng MalacaƱang. Pulitikal kaya ang dahilan?
Image courtesy of News Patrol (ABS-CBN Now)